BAKBAKAN | Dalawang miyembro ng NPA, patay sa magkahiwalay na engkwentro sa Agusan del Sur

*Manila, Philippines – Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army matapos na makipag barilan sa tropa ng militar sa Brgy. Sta. Emelia Veruela Agusan del Sur.*

*Ayon kay Capt. Norman Tagros ang tapagsalita ng 403rd infantry brigade unang nasawi ang isang NPA member matapos ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng 26th infantry battalion at NPA at Sitio Vergara Brgy. Sta Emelia Veruela Agusan del Sur.*

*Kinilala itong si Leevi Amando Bangonan alyas king ang tumatayong commander ng Samahang Yunit Pangpropaganda (SYP) Platoon, Guerilla Front (GF) 3 of Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).*


*Sunod naman napatay ang isang pang amazona matapos ang isinagawang pursuit operation ng militar sa pareho ring Brgy.*

*Hindi pa nakikilala ang nasawing amazona pero nakuha sa pagiingat nito ang dalawang Improvised Explosive Devises (IEDs).*

*Sa ngayon nagpapatuloy ang operasyon ng militar laban sa mga umaatake pa ring miyembro ng NPA sa lugar.*

Facebook Comments