BAKBAKAN | Donnie "Ahas" Nietes, handa na sa laban sa Amerika kontra kay Carlos Reveco

Los Angeles – Handang handa na si Donnie “Ahas” Nietes na sumabak sa kanyang unang laban sa Amerika para depensahan ang IBF flyweight title.

Sabi ni Nietes, sipag, tiyaga at pananalig lang sa Diyos kaya naabot niya ang titulo.

Ayon kay coach Edito Villamor, wala parin nagbabago kay Nietes dahil nanatili itong mapagkumbaba.


Sampung taon nang hawak ni Donnie ang IBF Flyweight Belt at bukas ng umaga (Linggo) ay dedepensahan niya ang titulo kontra kay Juan Carlos Reveco ng Argentina sa The Forum, Los Angeles.

Facebook Comments