BAKBAKAN | Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group, patay sa engkwentro sa Basilan

Basilan – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa nangyaring engkwentro sa Barangay Sungkayut, Ungkaya Pukan, Basilan.

Kilala ng Joint Task Force Basilan ang napatay na bandido na si Munir Abdurajid Kahun na tauhan ni ASG leader Puruji Indama na nakabase sa Basilan.

Sa ulat, nakasagupa ng mga CAFGU kasama ang mga kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team ang hindi pa natukoy na bilang ng ASG.


Umabot ng ilang minuto ang palitan ng putok bago tumakas ang mga bandido kung saan naiwan ang bangkay ng napatay nilang kasamahan.

Facebook Comments