BAKBAKAN | Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group, patay sa engkwentro sa Sulu

Sulu – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa nangyaring engkwentro sa Sulu.

Sa ulat, nagsasagawa ng pursuit operations ang mga miyembro ng 32nd Infantry Battalion sa may Sitio Sailih, Barangay Panglayahan, Patikul Sulu nang makasagupa ang nasa 40 armadong miyembro ng ASG sa ilaim ni Hajaan Sawadjaan.

Umabot ng mahigit kalahating oras ang labanan na ikinasawi ng isang bandido habang wala namang naiulat na casualties sa hanay ng militar.


Narekober sa encounter site ang ilang mga improvised explosive device at mga personal na kagamitan.

Facebook Comments