BAKBAKAN | Manny Pacquiao, laos na – Matthysse

77

Manila, Philippines – Para kay WBA welterweight champion Lucas Matthysse matagal nang laos at tapos na ang pamamayagpag ni eight-division titlist Manny Pacquiao.

Ayon sa Argentian champion, nag-iba na ang laro ni Pacman matapos siyang matalo via knockout kay Juan Manuel Marquez sa kanilang ikaapat na laban noong 2012.

Bagamat may ibubuga pa raw si Pacquiao iginiit ni Matthysse na tapos na ang panahon ng Pambansang Kamao at oras na niya ngayon.

Sinabi pa ni Matthysse na hindi siya pupunta sa Kuala Lumpur, Malaysia sa July 15 para lamang magpatalo kay Pacman.

Dagdag pa nito na siya ang magpaparetiro kay Pacman.

Facebook Comments