BAKBAKAN | Miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Quezon Province

Quezon Province – Nasawi ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos na makipag-engkwentro sa tropa ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay San Andres Bundok Atimonan Quezon.

Ayon kay Captain Patrick Jay Retumban ang tagapagsalita ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army nagsasagawa combat operations ang militar nang makatangap ng report ng may presensya ng NPA sa Barangay San Isidro Padre Burgos Quezon.

Sinasabing nangingikil ng pera at bigas ang sa mga residente sa lugar ang mga NPA.


Dahil dito nagsagawa agad ng combat operation ang militar sa lugar at nakasagupa ang 25 miyembro ng NPA na nagtagal tatlumpung minuto na ikinasawi ng isang NPA member.

Nakuha rin ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 rifle na pagmamay-ari ng mga terorista.

Facebook Comments