BAKBAKAN NA | Danny “The King” Kingad, nais muling maging title contender sa One Championship

Manila, Philippines – Dahil hindi pinalad sa kaniyang unang pagtatangka na magkampeon, isang impresibong panalo ang target ngayon ni Danny “The King” Kingad sa kaniyang pagbabalik sa Octagon.

Makakaharap kasi ni Kingad si Sotir Kichukov sa undercard ng One Championship Visions of Victory na gaganapin sa Marso a-nuwebe sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sakaling manalo si Kingad sa kanilang flyweight clash ni Kichukov, posibleng mabigyan ng isa pang pagkakataon ang tubong Baguio City na lumaban sa Flyweight title si Kingad.


Si Kingad ay unang natalo kay Flyweight King, Adriano Moraes ng Nobyembre ng nakaraang taon.

Facebook Comments