BAKBAKAN NA | Pacquiao-Matthysse fight, kasado na sa June 24

Kuala Lumpur, Malaysia – Itinakda na sa June 24 ang laban nina Manny Pacquiao at WBA welterweight Champion Lucas “The Machine” Matthysse na mapapnood sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nabatid na ito ang napagkasunduan ng kampo ni Pacman at Golden Boy Promotions sa pangunguna ni boxing legend Oscar Dela Hoya.

Utungo ang dalawang kampo sa March 22 sa Kuala Lumpur para sa official launching ng laban kung saan matapos nito ay magsasagawa sila ng media tour sa ilang lungsod sa Asia gaya ng Beijing, Tokyo, Macau at Hong Kong.


Ayon kay Pacquiao, nasasabik siya sa naturang laban dahil agresibong boksingero ang kaniyang makalaban na kapareho niya ng style.

Magsisimula naman ang training ni Pacquiao sa susunod na buwan.

Facebook Comments