BAKBAKAN NA | US boxing champ Floyd Mayweather Jr., tuloy ang pagsabak sa Mixed Martial Arts

Amerika – Hindi na papipigil pa si undefeated boxer Floy Mayweather Jr. na
sumabak sa Mixed Martial Arts (MMA).

Sa katunayan, naghahanda na ang kampo ni Floyd Jr. para makakuha na siya ng
lisensiya sa MMA at sumubok na sa laban.

Nitong mga nakaraang mga araw ay nagsimula na siyang mag-training sa ilalim
ng mma fighter na si Tyron Woodley.


Ayon kay Floyd Jr., hanggang walong buwan pa bago siya tuluyang makakuha ng
lisensya dahil sa kinailangan niya ng matinding ensayo para tuluyang
matutunan ang MMA.

Usap-usapan tuloy ngayon kung hahamunin ba niya sa nasabing sports si
Connor Mcgregor na kilalang bigating fighter sa MMA na una naman niyang
tinalo sa boksing.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments