MANILA – Nagpapatuloy ang operasyon ng Armed Forces of The Philippines (AFP) laban sa grupo ng mga rebelde sa Bayan ng Butig, Lanao Del Sur.Ayon kay 103rd Brigade Commander ng Philippine Army na si Colonel Roseller Murillo, patuloy ang pambobomba ng militar sa tinatayang 150 myembro ngKhalifa Islamiyah Movement O KIM na pinamumunuan ng magkapatid na Abullah at Omar Maute na estudyante ng Indonesian Terrorist na si Ustadz Sanusi na taga-suporta ng ISIS.Aniya, limang sundalo na ang namatay at dalawa ang sugatan sa ilang araw na bakbakan ng militar.Wala namang ibedensya na konektado sa ISIS ang grupong KIM at posibleng nakikisakay lamang.Posibleng tumagal pa ng ilang araw ang opensiba ng militar habang patuloy ang paglikas sa mga residente ng lugar upang hindi na naiipit sa gulo.Samantala, tumutulong na ang halos 2,000 miyembro ng MILF sa pamahalaan para tugisin ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pang grupo sa Mindanao.Sa ngayon, nakapwesto na ang nasa 1,700 miyembro nito sa iba’t ibang Barangay sa Datu Saudi Ampatuan at sa Bayan ng Datu Salibo. (Lou Catherine Panganiban – RMN DZXL 558)
Bakbakan Ng Militar At Rebelde Sa Mindanao, Tatagal Pa Ng Ilang Araw
Facebook Comments