BAKBAKAN | Notorious na miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Leyte

Leyte – Dead on the spot ang isang notorious na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkwentro sa Barangay Lower Sogod, Carigara Leyte.

Kinalala ang naturang rebelde na si alyas Santoy o Padi kung saan isa pang kasama nito ang nadakip sa nasabing engkwentro.

Sa ulat, umabot ng tatlong minuto ang naging palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at mga rebeldeng grupo.


Matapos ang nangyaring engkwentro, narekober naman ang ilang mga firearms at ammunitions, magazines, explosives at mga dokumento ng mga NPA.

Facebook Comments