BAKBAKAN | Pacman, nasa 90% condition na

Nasa 90 percent na daw kondisyon ngayon ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Pero ayon sa coach nito na si Buboy Fernandez, marami pa dapat gawing adjustment si Manny partikular sa kaniyang bilis para matapatan niya ang makakalabang si Adrien Broner sa January 19 na gaganapin sa Las Vegas.

Ngayong araw ay nakatakdang sumabak sa 8-rounds sparring session si Pacquiao at bukas ng umaga ay ba-biyahe na siya papunta ng Amerika para doon ipagpatuloy ang training.


Pinag-aaralan na din ng Team Pacquiao kung anong diskarte ang gagawin upang mapanatili ni Manny ang hawak na WBA Welterweight Champion.

Facebook Comments