MANILA – Pansamantalang humupa ang bakbakan sa Butig, Lanao Del Sur matapos na makontrol ng militar ang isa sa pinakamakapal na pandepensa ng Maute Group.Ayon kay Lt. Col. Roseller Murillo, Commander ng 103rd Infantry Brigade – ilang oras hanggang ilang araw na lang ang kanilang binibilang para tuluyang mapabagsak ang teroristang grupo na umano’y nakikisimpatiya at nagdadala ng pangalan ng ISIS sa lugar.Samantala, komplikado rin umano ang relasyon ng mga pamilya sa lugar dahil nabatid na ang ina ng Maute Brothers na si Farhana Maute ay pamangkin ng asawa ni Butig Mayor Ibrahim Macadato.Pero sa kabila nito, kinondena ng alkalde ang Maute Group dahil sa nilikha nitong kaguluhan sa butig.Umaasa naman ang AFP na makukubkob na nila ang pinakamalaking kuta ng maute group ngayon dahil ayon kay murillo, kung hindi nila ito magagawa ay maaari pang tumagal ang paghahasik ng gulo ng grupo sa lanao del sur.
Bakbakan Sa Lanao Del Sur – Pansamantalang Humupa
Facebook Comments