BAKBAKAN SA MARAWI │AFP, tiwala pa rin na matatapos sa lalong madaling panahon ang giyera

Manila, Philippines – Bagaman bigo silang masunod ang October 15 na deadline, umaasa ang militar na mawakasan na nila ang bakbakan sa Marawi City sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, lumiit na lang sa dalawang ektarya ang kanilang battle area.

Aniya, ginamitan muli ng fa-fighter jets ng mga sundalo ang pag-atake nila sa mga kalaban.


Umabot na sa 822 na terorista ang nasawi, 162 mula sa hanay ng gobyerno at 47 na sibilyan ang nasawi.

Tiniyak naman ni Brawner na puspusan na ang kanilang mga ginagawang hakbang para matapos na ang gulo sa Marawi.

Facebook Comments