Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng matapos na ang kaguluhan sa Marawi City sa loob ng 10 hanggang 15 araw.
Ayon kay Pangulong Duterte, masyado lang tumagal ang bakbakan sa lungsod dahil hindi nila inaasahan ang dami ng armas na inihanda ng Maute para sakupin ang Marawi.
Sinabi din ng Pangulo na susubukan niyang pumunta ulit sa Marawi City at umaasa aniya siya na makikiayon sa kanila ang panahon sa lugar.
Matatandaan na dalawang beses nang sinubukan ng Pangulo na pumunta sa lungsod pero nabigo ito dahil sa sama ng panahon.
Paliwanag ng Pangulo, hindi maaaring palalampasin niya ang oras bago pumunta ng Marawi at kailangan niyang magpakita sa mga sundalo habang nagkakabakbakan.
Kaugnay niyan, bilang pagsuporta ng isang kumpanya ng Langis sa mga sundalo ay nag-donate ito ng 100 million pesos para trust fund ng mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City.
Ang pag-anunsiyo ay kasabay narin ng pagdalo ng Pangulo sa 10th listing anniversary ng Phoenix petroleum sa Philippine Stocks Exchange sa Makati City.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558