Manila, Philippines – Posibleng tumagal ng tatlong araw ang operasyon ng milatar para masugpo ang Maute terror group.
Ito ang tantya ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Pio Chief, Col. Edgar Arevalo.
Ayon kay Arevalo – tuluyan na nilang nabawi mula sa mga bandidong grupo ang Amai Pakpak Medical Center at Dansalan College sa Marawi City.
Sinabi rin ni Arevalo na patuloy ang kanilang opensiba laban sa teroristang grupo.
Nagtalaga na sila ng maraming checkpoints na nakapaligid sa marawi para mainspeksyon ang mga gamit ng mga lumilikas na residente bago ang mga ito na makatawid.
Nilinaw din ni Arevalo – nagsimula ang bakbakan sa simpleng pag-aresto kay Abu Sayaff Leader Isnilon Hapilon.
Sa ngayon, patuloy pa ring kinukumpirma ng militar kung mayroong bihag ang bandidong grupo kabilang ang ilang obispo.
DZXL558