Bakbakan sa pagitan ng gobyerno at MILF sa Datu Paglas, Maguindanao, pinaiimbestigahan ni Sen. Padilla

Ipinasisilip ni Senator Robin Padilla sa Senado ang naganap na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Paglas, Maguindanao noong June 18.

Sa inihaing na Senate Resolution 664, aalamin kung may naging paglabag ba sa peace process sa naging operasyon ng mga awtoridad.

Kailangan aniyang maliwanagan kung saklaw ang mga teritoryo sa peace agreement at dapat ay mayroon munang naging koordinasyon bago isinagawa ang raid.


Sa impormasyong nakalap ng senador, nanindigan ang pamilya ng mga nasawi na walang criminal record ang kanilang mga kaanak at iginiit na rubout ang nangyari.

Samantala, ang mga otoridad naman ay nanindigan na lehitimo ang kanilang ikinasang operasyon.

Binigyang-diin ni Padilla na mas makabubuting pagharapin ang dalawang panig upang mabigyang liwanag ang mga tunay na nangyari.

Facebook Comments