Bakbakan sa pagitan ng militar at BIFF fighters, humupa na

49

Manila, Philippines – Kinumpirma ng North Cotabato Provincial Police Office na humupa na ang bakbakan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Bansamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa barangay malagakit, bayan ng Pigcawayan.
Sa interview ng RMN sa tagapagsalita na si P/Supt. Maria Joyce Birrey – patuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga tumakas na bandido.

Nilinaw ni Birrey – isang cafgu detachment ang nilusob ng BIFF.
Aniya, layon nila na maghasik ng takot sa mga residente.


Sa ngayon, nailigtas na ang 31 sibilyan na naipit sa bakbakan kahapon.

Nanatili pa rin sa evacuation centers ang nasa 1,200 na indibidwal habang patuloy ang clearing operations ng militar sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments