Una rito, nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng pamahalaan upang beripikahin ang impormasyon kaugnay sa presensya ng makakaliwang grupo sa lugar batay sa rebelasyon ng mga mamamayan.
Habang ginagawa ito ng kasundaluhan, agad na pinaputukan ng baril ang tropa ng grupong Front Committee, Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.
Narekober sa lugar ang isang 5.56 mm assault rifle sa pinangyarihan ng bakbakan.
Una nang inalerto ni LtCol. Magtangol Panopio, Battalion Commander ng 77IB, ang composite teams mula sa kanilang yunit para maharang ang posibleng pagtakas ng mga rebelde.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng pursuit operations upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente laban sa makakaliwang grupo.
Paglilinaw rin nito na hindi election-related incident ang nangyaring bakbakan.
Samantala,nagpasalamat naman si MGen. Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa mga residente sa pagbibigay ng impormasyon sa presensya ng grupo.