Naghahanda na ang Estados Unidos sa pagpapaalis ng kanilang mga sundalo sa Syria.
Ito ay kasunod ng pahayag ni U.S. President Donald Trump na tuluyan na nilang natalo ang pwersa ng Islamic State sa Syria.
Paglilinaw naman ni Trump na mananatili pa rin ang mga sundalo sa Iraq na may kakayahan na maglunsad ng pang-aatake sa Syria.
Mayroong mahigit 2,000 na sundalo ang nakatalaga sa Syria na nagtuturo rin sa mga sundalo roon para labanan ang mga militanteng grupo.
Facebook Comments