Kakaiba ang sangkap na ginagamit ng isang French baker sa paggawa ng tinapay– isang wheat o “trigo” mayroong kasamang ihi ng babae mula mismo sa mga pampublikong banyo.
Para sa isang engineer at self-proclaimed “ecofeminist” na si Louise Raguet, “Urine is a great fertilizer.”
Parating kumukuha ng ihi mula sa mga kababaihan si Raguet para mabuo ang tinatawag niyang “Boucle d’Or” bread.
Ang dahilan sa likod nito, nais niya raw basagin ang “pagbabawal sa paggamit ng dumi” na inilalabas ng tao at bumuo ng kapaki-pakinabang na food cycle.
Samantala, ayon sa pag-aaral na ikinatha ng the French Urban Planning Agency, nasa 29 million na tinapay gawa sa ihi ang maaaring mai-bake kada araw sa France.
Giit ni Raguet, imbes na masayang ang ihi, dapat daw itong tratuhin gaya ng isang “gold mine.”
“When you pee in water, treatment plants remove the nutrients. They do not return to the earth. The system is not circular,” saad niya.
Ibinahagi nito na nasa 20 beses niya hinahalo ang kakaibang sangkap para umano masiguro ang kalinisan nito bago ihalo sa wheat para bumuo ng isang tinapay.
Ang paggamit niya rin nito ay isa raw bahagi ng kanyang “ecofinism” na may layong gumamit ng eco-friendly products para palakasin ang mga kababaihan.