BAKIT KAYA? | German lawyer, na-badtrip dahil sa pizza

Germany – Isang abogado mula Dortmund, Germany ang nagsampa ng reklamo sa local police matapos na ma-badtrip dahil sa pizza!

Kwento ni Guido Grolle, wala na raw siyang matapos na trabaho dahil sa sunod-sunod na pagdating ng pizza sa kanyang opisina kahit hindi naman siya umo-order.

Sa loob ng dalawa’t kalahating linggo, umabot na sa mahigit 100 pizza ang natanggap niya.


Wala naman daw ideya si Grolle kung sino ang nagpapadala ng pizza sa kanyang opisina.

Pina-ayos na rin niya ang kanyang computer sa pag-aakalang infected ito ng weird virus pero wala namang nakitang kahit ano.

Facebook Comments