Manila, Philippines – Inanunsiyo ngayon ng Palasyo ng Malacanang na hindi na ini-renew ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Social Security Service (SSS) Chairman Amado Valdez.
Sa briefing sa Malacanang ay sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, noong June 30 pa nag-expire ang kanyang termino at hold-over capacity na lamang ang panunungkulan nito hanggang ngayon.
Sinabi din ni Roque na hindi narin pinalawig ang termino ni SSS Board Member Jose Gabriel Pompey Lavina.
Wala pa rin namang inanunsiyo ang Malacanang kung mayroon nang papalit kay Valdez sa posisyon.
Matatandaan na nito lamang ay humirit ang hanay ni Valdez kay Pangulong Duterte para taasan ang 3% ang kontribusyon ng SSS Members para tumaas ang pondo nito matapos ang pagtataas ng pension ng mga SSS Pensioners.