BAKIT KAYA? | SSS pension ngayong Marso, maantala

Manila, Philippines – Posibleng hindi agad makatanggap ng pensyon ang ilang miyembro ng Social Security System (SSS) ngayong Marso.

Paliwanag ng SSS, maaaring maantala ang paglalabas ng pondo sa mga bangko dahil sa pagsasaayos ng kanilang E-Disbursement System.

Layon ng system enhancement na makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa mga miyembro nito.


Pero pagtitiyak ng SSS, simula March 6 ay matatanggap din ng mga apektadong pensioner ang kanilang buwanang pensyon.

Facebook Comments