BAKIT? | NBI, pinagpapaliwanag ng Manila RTC Branch 46 dahil sa hindi paglipat kay Customs broker Mark Taguba sa Manila City jail

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Manila RTC Branch 46 ang National Bureau Investigation kung bakit hindi sila pwedeng i-cite for contempt dahil sa hindi pa inilipat ang Customs broker na si Mark Taguba sa Manila City jail kahit mayroon na itong commitment order mula sa korte.

Kasabay nito nagpalabas na rin ng show cause order ang husgado laban sa NBI dahil sa kabiguan nitong tuparin ang kautusan ng korte.

Una rito ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal laban kay Taguba,Ito ay matapos paboran ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ang arraignment dahil sa inihaing Motion to Defer Arraignment ng kampo ni Taguba.


Sa ilalim ng rules of court mayroong 60 araw para ituloy ang pagbasa ng sakdal simula ng isampa ang kaso.

Dahil dito, muling itinakda ng Manila RTR Branch 46 ang pagbasa ng sakdal sa Feb 23.

Facebook Comments