BAKIT PINK ANG SAND SA STA. CRUZ ISLAND?

168

Bestfriend, alam natin na pasok ang sikat na Pink Sand ng Sta. Cruz Island ng Zamboanga City sa 21 Best Beaches in the World ng National Geographic. Ngunit alam mo ba kung bakit pink ang buhangin nito? Dahil ito sa nadurog na “red organ pipe coral” gawa ng tinatawag na surf erosion na may halong puting buhangin. Kaya kung magagawi ka sa Zamboanga City, huwag na huwag palampasin ang pag-bisita sa nasabing lugar. 
Pictures by Ronald Lamata.

Facebook Comments