BAKIT? | VP Robredo, hindi natuloy sa pagpirma ng joint motion nila ni dating Senator Bongbong Marcos

Manila, Philippines – Hindi natuloy ang pagpirma nina Vice President Leni Robredo at dating Senator Bongbong Marcos ng joint motion na nagpapabasura sa kanilang pending motions para mapadali ang recount sa mga balota.

Ayon kay Romulo Macalintal, counsel ni Robredo, imbis kasi na joint motion, joint manifestation ang nilagdaan ni Marcos.

Aniya, inililihis nito ang issue sa kanyang protesta matapos na hindi personal na sumipot sa kanilang usapan.


Naniniwala naman si Marcos na wala talagang balak si Robredo na ibasura ang mga pending motion nito para maumpisahan na ang recount.

Facebook Comments