Arestado ang isang lalaki na miyembro ng sindikatong nag-aalok ng “instant” o mabilisang pasaporte.
Sa ulat, nasakote sa entrapment operation ang suspek na si Roel Pinlac matapos tumanggap ng bayad mula sa biktimang si alyas “Faye.”
Nabatid na natuklasan din ng mga otoridad na nagsasagawa ang sindikato ng modus na “baklas passport” kung saan ibinibigay sa mga biktima ang mga tunay na pasaporteng dating pag-aari ng ibang tao.
Napag-alaman pa na may kasabwat ang suspek sa loob ng immigration ng paliparan kaya at patuloy ang imbestigasyon para malaman kung sino ito.
Facebook Comments