Baklasan ng mga campaign materials sa Quezon City, nauwi sa kasuhan

Nauwi na sa pagsasampa ng kaso ang mga nangyayaring baklasan ng campaign materials sa Quezon City.

Kasong cyber libel ang isinampa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte laban sa makakatunggali na si mayoralty candidate at AnaKalusugan party-list representative Michael Defensor.

Nagsimula nang maramdaman ang init ng eleksyon sa Quezon City matapos magpatutsada gamit ang social media si Defensor.


Naging basehan sa pagsasampa ni Belmonte ang mga Facebook post ni Defensor ang pagtawag nito ng kapit tuko sa kapangyarihan at ibang mapanirang salita laban sa lady mayor.

Ito’y kasunod ng pagbuo ni Belmonte ng baklas team para pagbabaklasin ang mga campaign materials ng kampo ni Defensor.

Pormal na naghain ng reklamo si Belmonte sa City Prosecutor’s Office.

Sinamahan siya ng kaniyang City Legal Officer na si Nino Casimiro.

Kabilang sa mga ebidensya ni Belmonte ay mga screenshots ng mga mapanira ng Facebook page ni Defensor.

Facebook Comments