Bakuna at disiplina, pipigil sa pagkalat ng Omicron at iba pang variant ng COVID-19

Bilang Chairman ng Committee on Health ay nag-aalala si Senator Christopher “Bong” Go na nakapasok na sa bansa ang Omicron variant of COVID-19.

Ayon kay Go, bagama’t bumababa na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa ay huwag tayong magkumpiyansa dahil delikado at andyan pa ang banta ng COVID-19

Giit ni Go, mahalaga na magpabakuna, at maging disiplinado sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa health protocols.


Hiniling din ni Go sa mga health official at eksperto na pag-aralan dapat kung kailangang itaas ang alert status ngayon may kaso na ng Omicron sa bansa.

Facebook Comments