Walang nakikitang mali ang Palasyo ng Malakanyang sa hakbang ng Cebu City government na makakakuha o makakatanggap lamang ng Christmas bonus ay yung mga bakunadong empleyado nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, walang mali dito, lalo’t hindi naman minamandato ng batas ang pamamahagi ng Christmas bonus sa mga kawani.
Layon lamang nitong mapataas ang bilang ng mga bakunado sa naturang lalawigan.
Giit ni Roque ang tanging nakasaad lamang sa batas ay ang pagbibigay ng 13th at 14th month pay para sa mga government employees.
Discretion na aniya ng mga kompanya kung bibigyan nila ang kanilang mga empleyado ng Christmas bonus o hindi.
Maaari aniyang gamitin ito bilang bahagi ng insentibong ipagkakaloob sa mga empleyado upang mas marami ang mahikayat na magpabakuna laban sa COVID-19.