Muling dinala ni Vice President Leni Robredo sa lokal na pamahalaan ng Quezon ang programang Vaccine Express—ang unang drive-through vaccination initiative sa bansa.
Sa ilalim ng programa, layong mabakunahan ang 5,000 drivers at operators ng mga jeepney at tricycle, pati na rin ang mga delivery riders.
Para mahikayat ang maraming residente na magpabakuna, nagbibigay ang opisina ni Robredo ng mga insentibo tulad ng P500 na halaga ng groceries gift check at post-vaccination kit para sa lahat ng lumalahok sa Vaccine Express.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Joy Belmonte sa inisiyatibong ito ni Robredo.
Bukas naman ang pangawalang pangulo sa patuloy na pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Facebook Comments