CAUAYAN CITY – Naglunsad ng bakuna Eskwela ang Rural Health Unit ng bayan ng Quezon sa pangunguna ni Dr. Daniel Darius Aquino.
Measle-Rubella vaccine, Tetanus Diptheria vaccine (MR-TD) ang hatid sa mga estudyante mula una hanggang ika-pitong baitang habang HPV vaccine naman sa mga babaeng Grade 4 laban sa Human Papillomavirus.
Ayon sa datos, nasa 47.3% na ang accomplishment rate para sa MR-TD at 57.9% naman sa HPV.
Tatagal hanggang ika-23 ng Oktubre ang bakuna Eskwela upang masigurong nabakunahan ang lahat ng mga estudyante sa lahat ng paaralan sa bayan.
Facebook Comments