Umarangkada na rin sa ilan pang mga bayan sa Pangasinan ang “Bakuna Eskwela” ng Kagawaran ng Kalusugan.
Nabenipisyuhan ang mga mag-aaral sa ilang paaralan sa mga bayan ng San Fabian, San Jacinto, Sual, Anda at Agno ng iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan.
Saklaw ng naturang programa ang bakuna laban Measles, Rubella, Diptheria at Tetanus alinsunod sa itinataguyod na Healthy Learning Institution Program.
Kasabay nito, tumanggap din ang mga Grade 1 pupils ng school supplies, first aid kits at napakain din ang mga ito ng Feeding Program.
Samantala, patuloy pang pinalalawig sa lalawigan ng Pangasinan ang serbisyong pangkalusugan sa pagtitiyak ng nutrisyon ng mga kabataang Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









