Muling isinagawa ang malawakang bakunahan sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Mangaldan matapos itong pansamantalang matigil dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyo.
Sa ilalim ng programang “Bakuna Eskwela”, libreng itinurok sa mga kabataan ang bakuna laban sa Human Papillomavirus (HPV), Measles, Rubella, Tetanus, at Diphtheria bilang proteksyon laban sa mga sakit na maaaring makapinsala sa kanilang kalusugan.
Hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga magulang at guardians na hikayatin ang kanilang mga anak na sumailalim sa bakunahan upang masiguro ang kanilang kaligtasan at mas mapalakas ang kampanya kontra sakit.
Ayon sa Municipal Health Office, patuloy ang kanilang layunin na mapataas ang bilang ng mga kabataang protektado at mabawasan ang insidente ng mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang pagbabakuna.
Magpapatuloy ang bakunahan hanggang Oktubre 3 sa lahat ng paaralan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









