Patuloy na umaarangkada ang Bakuna Eskwela 2025 o ang School-Based Immunization Program ng Department of Health sa iba’t-ibang paaralan sa bayan Mangaldan.
Kamakailan, binisita ng health personnels ang ilang malalaking paaralan sa tulad ng Mangaldan Integrated School & SPED Center (MISSC), Mangaldan Central School (MCS) at Gueguesangen Integrated School (GIS) kung saan umabot sa 374 mag-aaral sa Grades 1,5 at 7 ang nabakunahan.
Kabilang sa mga itinuturok ay ang Measles-Rubella (MR), Tetanus-Diphtheria (TD) at Human Papillomavirus (HPV).
Tuloy-tuloy ang pagbabakuna sa bayan hanggang September 5 bukod pa sa community-based immunization sa mga health centers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









