“Bakuna-for-ayuda” para sa mga PUV drivers, inirekomenda sa DOTr

Pinaglulunsad ni House Committee on Transportation Chairman Edgar Mary Sarmiento ang Department of Transportation (DOTr) ng “bakuna-for-ayuda” campaign para sa public utility (PUV) drivers.

Binigyang-diin ni Sarmiento na katulad sa mga frontline workers ay mahalaga ring maikunsidera ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gawing prayoridad sa vaccination program ang PUV drivers dahil ang mga ito ang tumitiyak na ligtas na makakarating ang mga medical at economic frontliners sa kanilang pupuntahan.

Ang mga PUV drivers din aniya ay isa sa mga pinakalantad sa panganib ng nakamamatay na COVID-19 at ng iba pa nitong variants.


Inirekomenda ni Sarmiento na maaaring maglunsad ang DOTr ng nationwide vaccination program para sa PUV drivers na isasabay sa pamamahagi ng ayuda na bahagi ng P3-billion sa Bayanihan 2 na nakapaloob sa General Appropriations Act of 2021.

Ang service contracting fund na nakalaan sa ilalim ng 2021 budget ay available pa at dapat na magamit na agad para matulungan ang mga kabilang sa public transport sector.

Tinawag pa ni Sarmiento na “hitting two birds in one stone” ang iminumungkahing “bakuna-for-ayuda” dahil makapagbibigay na ng tulong pinansyal sa mga driver, matitiyak pa na mababakunahan ang nasabing sektor.

Facebook Comments