Nagkukulang na sa bakuna kontra pertussis ang Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, nauubos na ang mahigit 64,000 doses ng pentavalent o 5-in-1 vaccine na una nitong ipinamahagi sa buong bansa.
Dahil dito, ipinag-utos ni Health Secretary Ted Herbosa ang paggamit ng ibang bakuna gaya ng diphtheria-tetanus-pertussis o DTP jabs upang hindi maputol ang immunization efforts ng ahensya sa mga bata.
Una nang inamin ng kalihim na posibleng magkaroon ng shortage sa pertussis vaccines sa Mayo.
Hinihintay pa ng ahensya ang binili nitong tatlong milyong pentavalent vaccines.
Samantala, bumili na rin ng sarili nitong bakuna at mga antibiotic kontra pertussis ang pamahalaang lungsod ng Quezon.
Matatandaang ang Quezon City ang kauna-unahang lungsod na nagdeklara ng pertussis outbreak sa bansa nitong Marso.