Bakuna laban ASF, malapit nang ma-develop

Malapit nang magkaroon ng bakuna ang mga baboy laban sa African Swine Fever (ASF).

Sa Laging Handa public press breifing sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na ginagawa na ngayon ang testing sa bakuna at maganda naman ang ipinakikita nitong initial result.

Ayon kay Dar nasa Phase 2 na ang testing at inaasahang sa Hunyo ay mailalabas na ang resulta nito.


Paliwanag ng opisyal, kapag naging maganda ang resulta, iri-rekomenda nyang bakunahan ang lahat ng mga baboy sa buong bansa sa layuning mabigyan ng proteksyon ang mga baboy kontra ASF.

Ang ASF ay namiminsala sa hog industry mula pa nuong 2019 na nagdulot ng pagkalugi ng maraming magbababoy na nag-resulta naman sa pagsirit ng presyo ng baboy sa mga pamilihan.

Facebook Comments