Masisimulan na sa susunod na linggo ang pagbabakuna sa mga baboy sa Batangas dahil darating na ngayong araw ang dalawang libong doses ng donasyong bakuna kontra African Swine Fever (ASF).
Sa Malacañang Insider, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. target muna nilang umpisahan ang pagbabakuna sa 8 munisipalidad sa Batangas.
May binili naman aniyang ASF vaccines ang pamahalaan sa Vietnam, pero darating pa ito sa unang linggo ng Setyembre.
Naghanda na rin ang Department of Agriculture (DA) ng checkpoint inspection stations sa mga uunahing munisipalidad.
Aminado ang kalihim na hindi ito magiging madali pero gagawin daw nila ang lahat para macontain ang pagkalat ng ASF.
Hindi naman naaalarma si Laurel sa nararanasang pagtaas ng kaso ng ASF sa Batangas dahil paparating naman na aniya ang mga bakuna.