Bakuna laban sa COVID-19, posibleng maging available sa ikalawang kwarter ng 2021 – DOH 

Maaaring simulan ng pamahalaan ang pagbili at pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa ikalawang kwarter ng susunod na taon. 

Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) habang patuloy ang isinasagawang development at trials ng vaccine manufacturers. 

Ayon kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire, kailangang matiyak na ligtas at mabisa ang mga bakuna bago ito bilhin ng gobyerno at iturok sa publiko. 


Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaprayoridad niya ang mga bakunang dine-develop ng Russia at China. 

Matatandaang sinabi ng Russia na bukas sila sa posibilidad na magkaroon ng local production ng anti-COVID-19 vaccine na Sputnik V sa Pilipinas. 

Facebook Comments