Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na madidiskubre na ang bakuna laban sa coronavirus disease sa susunod na taon.
Sa kanyang televised address, pakiusap ng Pangulo sa lahat na huwag munang mamatay habang naghahanap pa rin ng lunas sa sakit.
Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng bakuna sa paglaban sa virus.
Binanggit ni Pangulong Duterte ang isang balita patungkol sa isang American biotech company na ‘Moderna,’ kung saan naiulat na nagkaroon ng positibong resulta sa kanilang clinical test.
Bukod dito, nabanggit din ng Pangulo ang report kung saan napagtagumpayan ng Chinese researchers ang pag-develop ng isang bakuna.
Nagpaalala rin ang Pangulo sa publiko na sundin ang mga panuntunan para maiwasan ang virus tulad ng social distancing, paggamit ng mask at proper hygiene.