Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng kauna-unahang bakuna laban sa Human Pappilloma Virus (HPV) sa mga babaeng edad 9 hanggang 13.
Layon nito na magkaroon ng maagang panlaban ang mga bata sa banta ng cervical cancer.
Ito ay karaniwang nakukuha sa mga sexual activities kung saan active ang mga edad 9 hanggang 14.
Tinukoy ni Dr. Erwin de Mesa ng Philippine Obstetrical and Genecological Society na ilan sa mga sintomas ng HPV ay ang pagkakaroon ng kulugo, hirap sa pagdumi at pag-ihi.
Kung hindi aniya maaagapan ang ganitong senaryo, ang matres ang pangunahing tatamaan at maaaring mauwi sa cervical cancer.
Ilan sa posibleng paraan para malaman na may cervical cancer ay ang pop smear, visual inspection with acetic acid at HPV DNA test.
Ang cervical cancer ay pangalawa sa breast cancer na nakamamatay sa mga kababaihan kaya mahalaga aniyang makumpleto ang dalawang turok ng HPV vaccine upang masiguro ang bisa.