BAKUNA LABAN SA POLIO, RUBELLA AT TIGDAS, UMARANGKADA SA BARA-BARANGAY SA DAGUPAN CITY

Umarangkada ngayong araw, May 2 ang bakuna laban sa polio, rubella at tigdas na programang Chikiting Ligtas MR/OPV SIA Campaign sa ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan sa mga bara-barangay sa Dagupan City.
Nilibot ng hanay ng City Health Office Dagupan ang mga batang nasa edad apat pababa na residente ng Brgy. Lucao, Brgy. Lasip Chico, Brgy. Caranglaan, Brgy. Bonuan Boquig, at Brgy. Bonuan Binloc.
Ang programang pangkalusugan na ito ay may layong mabakunahan ang mga bata upang makaiwas ang mga ito sa mga sakit na Polio, Rubella o Tigdas na maaari nilang makuha kung hindi nabigyan ng sapat na Immunization vaccine.

Alinsunod din dito ang pamamahagi ng bitamina na nakalaan para sa mga bata upang mapanatili ang malusog at protektadong pangangatawan.
Samantala, libre, subok at ligtas ang bakuna at maaari itong iturok sa mga bata sa pamilya. |ifmnews
Facebook Comments