Bakuna na iligal na binebenta, bawal nang gamitin – FDA

Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) na hindi na maaaring ipagamit sa publiko ang mga COVID-19 vaccine na iligal na binebenta.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, may mga nakulimbat silang bakuna na iligal na binebenta na posibleng hindi naging maayos ang pag-imbak sa malamig na temperatura.

Bukod dito, wala ring kasiguraduhan na naging maayos ang pag-handle sa mga ito.


Pagtitiyak ni Domingo, inaalam na ng FDA kung saan nanggagaling ang mga pinuslit na bakuna.

Nanawagan din ito sa publiko na i-report sa FDA ang mga hinihinalang nagbebenta ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments