Bakuna na laan sa Coastal Town ng Isabela, Matagumpay na Naibyahe

14

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naibyahe ng mga kasapi ng Philippine Air Force- Tactical Operations Group 2 sa coastal town ng Isabela sakay ng SOKOL helicopter ang mga bakuna kontra COVID-19 kahapon , May 9, 2021.

Umabot sa 338 doses ng Sinovac vaccines para sa una at ikalawang doses ang naipamahagi na sa LGU Maconacon.


Kasama rin sa mga ipinamigay ang ancillary supplies katuwang ang ilang tauhan ng Department of Health (DOH) region 2.

Matatandaan na bahagi ng transportasyon sa pagbiyahe ng bakuna sa hindi maabot na lugar ang Philippine Air Force gaya na lamang sa mga unang dumating na bakuna sa Tuguegarao City.

Facebook Comments