Bakuna na may mababang efficacy rate, dapat isantabi na sa harap ng pagpasok sa bansa ng bagong COVID-19 variant

Iginiit ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa pamahalaan na bilhin ang COVID-19 vaccine na nakatapos na nang Phase 3 trials at may magandang efficacy rates.

Pahayag ito ni Zubiri, kasunod ng kumpirmasyon na nakapasok na sa bansa ang UK variant ng COVID-19.

Inihalimbawa ni Zubiri sa mga bakunang dapat ikonsidera ng gobyerno ang Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Gamaleya at Novavax.


Hindi kasama sa binanggit ni Zubiri ang Sinovac mula sa Chinese firm na sinasabing nasa 50 percent lang ang efficacy rate at siyang tinatrabaho ngayon ng pamahalaan.

Bukod kay Zubiri ay diskumpyado rin ang ibang senador sa Sinovac tulad ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na nagtataka kung bakit limang buwan na mistulang masosolo ng Sinovac ang merkado ng Pilipinas gayung hindi pa ito nakakakuha ng Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) dahil sa usapin ng clinical trials.

Si Senator Grace Poe ay kinukwestyon din ang pagkikipagkasundo ng Administrasyong Duterte sa pagbili ng Sinovac vaccine kahit hindi ito lubos na mabisa.

Punto naman ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, bakit tayo gagastos sa Sinovac na mas mahal pero pinakamababa ang bisa kung saan tiyak na masasayang lang ang pondo.

Facebook Comments