Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nagpapatuloy ang negosasyon para sa COVID-19 vaccines mula sa US-based pharmaceutical company Pfizer.
Matatandaang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na makakakuha na sana ang Pilipinas ng 10 million doses ng COVID-19 vaccines ng Pfizer pagsapit ng Enero, pero nagkaroon ng “ball dropping.”
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III na walang “dropping the ball” na nagaganap at patuloy ang negosasyon sa Pfizer.
Nilagdaan niya at ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) sa Pfizer.
Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na nagpapatuloy ang procurement ng COVID-19 vaccines ng Pfizer at inaasahang mangyayari ang delivery ng mga bakuna sa Hunyo ng susunod na taon.
Mula sa January 2021 na delivery date ay naurong ito ng Hunyo dahil sa kabiguan ng Pilipinas na umaksyon agad sa CDA hinggil procurement, kaya naunahan ang Pilipinas ng Singapore.
Bukod sa Pfizer, nakikipag-negosasyon ang Pilipinas sa US Pharmaceutical company na Moderna.