Mas mauuna pang dumating sa bansa ang anti-COVID-19 vaccine ng Pfizer kumpara sa Sinovac ng China.
Ito ang kinumpirma ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez matapos ang pakikipagpulong nito sa mga representative ng Covax, isang global facility na nagtitiyak sa maayos na distribusyon ng mga bakuna sa ibat ibang bansa.
Ayon kay Galvez, posibleng mas maagang i-deploy ng Covax facility ang bakuna ng Pfizer ngayong Pebrero.
Inaasahan din sa Pebrero darating sa bansa ang 50,000 doses ng Sinovac, kaya hinihintay na nila ito.
Magbebenipisyo aniya sa dalawang bakunang paparating ang 20 milyong katao kung saan unang mabibigyan ay ang mga healthcare workers sa Metro Manila.
Facebook Comments