Bakuna o gamot sa COVID-19, posibleng ilabas sa Disyembre ayon kay Pangulong Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na ng bakuna o gamot laban sa COVID-19 pagdating ng Disyembre.

Sa kanyang ulat sa bayan, nais ni Pangulong Duterte na magamit ang gamot na kayang pumatay sa virus at makakuha ng bakuna para dito.

Nasa 576 pasyente na sa Pilipinas ang nakilahok sa Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO) para sa paghahanap ng lunas para sa COVID-19.


Bago ito, itinigil na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng hydroxychloroquine at HIV drug na lopinavir-ritonavir sa mga pasyente alinsunod sa rekomendasyon ng mga eksperto.

Plano naman na isalang sa clinical trials ang anti-flu drug na Avigan.

Facebook Comments